Journal
On growth, finance, content creation, and life.
Pabuti. Padali. Pagaan. Pabuti is a dynamic Filipino word that shows progress from a bad or not so pleasant situation. It shows betterment of a person, a situation, or of a perspective. It shows hope and good expectation. Medyo masama ang pakiramdam ko pero parang pabuti na. Mahirap ang buhay, pero pabuti naman ng pabuti. That's how I can describe my life now. Pabuti. Dati nasa isip ko lang na magkaron ng sariling kwarto, magkaron ng higaan na akin lang, pero ngayon nangyayari na sya. Dati, puro lakas lang ng loob ang puhunan ko at pananampalataya na makakapagtapos ako, pero ngayon nakakapag graduate studies pa ko. Dati, gusto ko lang magkaron ng motor, ngayon, meron na. Dati, hirap na hirap akong makahanap ng trabaho na may maayos na sahod. Ngayon, meron na. Masaya pa sa workplace, magaan pa sa puso, nakakapagpasaya pa ng ibang tao. Ecclesiastes 3:1 (New Living Translation) For everything there is a season, A time for every activity under heaven. A time to be born and a time to die. A time to plant and a time to harvest. Dati, sabi ko sa kaibigan ko, siguro pag dumating yung panahon na may pambili na ko ng branded na damit, pipiliin ko parin yung mumurahin, pero ngayon, bumibili na ko ng branded na damit, pants, at sapatos. Dati shala na sakin pag umabot ng 500 yung sapatos, o pag lumampas sa 100 yung damit. Pero ngayon, nabibili ko na yung mga dating sa tingin ko ay aesthetic. These previous years, yung allowance ko buong buwan na natitira ay yun na para sa lahat ng kailangan, pero ngayon, nakabukod na yung pang needs, sa allowance lang talaga. Hindi pa man ganun ka gara ang lahat ng pangyayari, paganda naman sya ng paganda. Little by little. Malayo pa sa goal pero malayo na rin sa starting point. I just need to be patient sa pagdating nung grand jackpot. Yung mga Israelita, nung pinangakuan sila ni Lord ng lupang pangako, katulad ko rin sila. Nainip din sila. Nagreklamo din sila. Kala namin, Paraiso yung pupuntahan namin, kawalan pala? Disyerto pala? Papatayin mo ba kami dito sa disyerto sa gutom? I spent June 20 to July 28 for applying to Civil Engineering sa LSPU, yung university na pinaggraduatan ni Joana. Sa school pa ko inabutan ng entrance exam. Gabi-gabi, buhay na buhay ang diwa ko. Nakakakaba habang naghihintay. Hanggang sa lumabas yung resulta ng entrance exam, I passed and got invited for an interview. That was July 4, 4th day din ng Covid season ko, dun pa napatapat yung interview. I still did my best. Tinodo ko paren. Para sa pangarap. Dun mas matagal yung paghihintay ng result. From July 4 to July 28, yun yung length ng waiting time. Ganun din ako katagal na halo-halong emotion at thoughts. Ang daming what ifs. Ang dami ring chikahan sa gc na anunaaa ang tagal ng resulta. July 28 lumabas yung official list ng passers sa interview at pasok na sa university. Tiningnan ko yung mga applicant number. Unang tingin, wala yung number ko. Chineck ko ulit yung number ko baka mali ako ng tingin. Pangalawang scan, wala talaga, hindi ako tanggap. Syempre wait hindi yan, baka mali lang talaga ko ng tingin, mas babagalan ko. And I knew it and tried to accept it na hindi ako pasok. Pero pag free ako or pag naaalala ko, natingin ulit ako dun sa list, umaasang namali lang ako ng tingin. Stage 1 ng dealing sa pain – denial. Hindi, baka naduling lang ako. Meron yan. Stage 2 – anger. I did my best, mas matatanggap ko sana kung sa exam ako bumagsak kasi ang hirap nung mga tanong, pero bat sa interview pa. Stage 3 – acceptance. Tanggap ko na. Masakit parin pero tanggap ko na. Accepting the pain is hard. Understanding it is hard. But what makes it harder is that the pain is still there, you just got to live with it. Pero syempre gumagana yung defense ng ating emotion. Susubukan ko ulit. That's what I keep telling myself. For the first time in my life ulit, ang dami kong nasabi sa Lord through my journal. Ang dami kong naiiyak sa Lord ulit. Lord, you know the desires of my heart. Ang hirap iaccept pero I believe in you. And that's when I realize na wait, ang dami nang ginawa ng Lord sa buhay ko. Yes, marami na ring rejections mula sa iba, pero mas madaming pagpapala at pagtanggap. Imagine natanggap ako sa Boonlert without formal classroom teaching experience? Imagine being able to study and graduate without much money? Ang dami nang dakilang bagay, at mas madami pang gagawin si Lord. Maganda ang timeline nya. Mas may twist. Mas exciting. Mas surprising. Mas kahanga-hanga. Let's trust His perfect timing. Little by little. Pabuti ng pabuti. Paganda ng paganda. Painam ng painam. Pagaan ng pagaan. Proverbs 19:21 Many are the plans in a person's heart, but it is the LORD's purpose that prevails.
June 2025
The journey of building knowledge for something bigger starts with a single step.
Read moreMay 2025
Helping clients navigate one of the biggest financial decisions.
Read moreFull article text goes here for this post.
April 2025
Hindi kailangan perfect — kailangan lang consistent.
Read moreFull article text for this post.
March 2025
Adaptability, growth, and connection from teaching experience.
Read moreFull article text for this post.
February 2025
How my degree opened unexpected doors.
Read moreFull article text for this post.
January 2025
I create content to express, connect, and grow.
Read moreFull article text for this post.